DOLE: Flexi work schedule, work from home uubra sa pribadong sektor

MAY mga opsyon ang mga pribadong negosyo para makatulong sa kanilang mga empleado ngayon labis na nararamdaman ang epekto ng krisis sa Middle East.
Ito ang paalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ang maaaring ikasa ang flexible work arrangements, tulad ng four-day work week at work from home arrangements.
Sinabi ni DOLE – Bureau of Working Conditions Director Alvin Curada, sa pagpapatupad ng four-day work ay maaaring bumaba ang mga gastusin sa operasyo ng negosyo.
Baka Bet Mo: Meralco magtataas ng singil sa kuryente ngayong Marso
Kailangan lamang aniya pahabain ang oras ng trabaho sa apat na araw ng pasok ng empleado.
Samantala, sa pagpapatupad ng work from home arrangement, may isang araw sa limang araw na pasok, na maaaring sa bahay mag-trabaho ang empleado.
The post DOLE: Flexi work schedule, work from home uubra sa pribadong sektor appeared first on Bandera.

No comments: