BREAKING NEWS

DOE todo-bantay sa gas station na nag-advance ng taas presyo, iimbestigahan

DOE todo-bantay sa gas station na nag-advance ng taas presyo, iimbestigahan
INQUIRER file photo

NAGBABALA ang Department of Energy (DOE) sa mga gas station laban sa maagang pagtataas ng presyo ng gasolina at diesel.

Ito ay matapos matuklasang may ilang establisimyento na nagpatupad na agad ng dagdag-presyo kahit hindi pa oras ng opisyal na adjustment.

Ayon sa DOE, umabot sa halos P8 kada litro ang naunang pagtaas sa ilang istasyon ng gasolina. 

Dahil dito, nakipagtulungan na ang ahensya sa Philippine National Police (PNP) para higpitan ang inspeksyon sa mga retail station sa buong bansa.

Baka Bet Mo: Marcos aprub sa 4-day workweek sa ilang gov't offices simula March 9

Sa Tagum City, Davao del Norte, isang gas station ang napaulat na nagtaas na ng presyo ng diesel ng P8.35 kada litro, mula P64.85 hanggang P73.20. 

Agad naman itong pinabalik ng DOE sa tamang presyo.

"The DOE remains committed to protecting consumers, ensuring fair market practices, and maintaining public confidence in the country's energy supply system," sey ng ahensya na iniulat ng INQUIRER.

Hinimok din ng DOE ang publiko na i-report ang anumang kahina-hinalang gawain tulad ng hoarding, pagtangging magbenta ng fuel, price manipulation, at iba pang iregularidad.

Karaniwan kasi tuwing Lunes inaanunsiyo ng mga fuel company ang pagbabago sa presyo at ipinatutupad ito tuwing Martes.

Gayunman, bukod sa insidente sa Mindanao, may mga netizen din sa iba't ibang lugar ang nagreklamo online na may ilang gas station na nagtaas na rin ng presyo.

"The DOE continues to work closely with industry stakeholders and law enforcement authorities to ensure that petroleum products are sold fairly and in accordance with existing regulations," dagdag ng ahensya.

Sa ilalim ng Department Circular No. DC2019-05-0008, obligado ang mga oil company na ipaalam sa DOE ang anumang pagbabago sa presyo hindi lalampas ng alas-3 ng hapon isang araw bago ito ipatupad.

Ang price adjustment ay dapat ipinatutupad tuwing Martes at mananatili sa loob ng pitong araw.

Babala ng DOE, maaaring masuspinde o makansela ang permit ng mga kompanyang lalabag sa patakaran, pati na ang kanilang certificate of compliance.

Samantala, nanawagan si Energy Secretary Sharon Garin sa publiko na iwasan ang panic buying o pagho-hoard ng fuel.

Babala niya, delikado ang hindi maayos na pag-iimbak ng gasolina dahil maaari itong magdulot ng sunog o pagsabog, bukod pa sa posibilidad na masira o makontamina ang fuel.

"The country has adequate fuel supply, and government agencies are actively monitoring the situation to ensure that the public is protected," sey pa niya.

The post DOE todo-bantay sa gas station na nag-advance ng taas presyo, iimbestigahan appeared first on Bandera.


DOE todo-bantay sa gas station na nag-advance ng taas presyo, iimbestigahan DOE todo-bantay sa gas station na nag-advance ng taas presyo, iimbestigahan Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close