BREAKING NEWS

Chelsea Fernandez binanatan si Jay Sonza: May kadiring mindset ka po!

Chelsea Fernandez binanatan si Jay Sonza: May kadiring mindset ka po!
Chelsea Fernandez, Jay Sonza

MATAPANG na kinastigo ni Miss Cosmo 2025 runner-up Chelsea Fernandez ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos nitong tirahin ang Kapamilya star na si Anne Curtis.

Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ng beauty queen mula Sultan Kudarat ang gigil sa umano'y nakakadiring komento ni Jay laban kay Anne at ang pagtanggol nito kay Bong Suntay.

"Please tell me this is just [ragebait]. Please tell me this is just for clicks because there's no way this is real?!?!?!?!^*%#$<. Basta ang alam ko may kadiring mindset ka po!" sey ng beauty queen sa kanyang post.

Ang reaksyon ng beauty queen ay kaugnay ng post ni Jay kung saan inakusahan niya si Anne ng pagiging hipokrita.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa pagkakakulong ni Jay Sonza: 'Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya, wa echos…hindi ko sasabihing beh buti nga'

Kalakip pa niyan ang tatlong larawan ng aktres na nakasuot ng revealing outfits at tila seductive ang mga pose.

"Yung career mo was precisely about arousing men. When a man told you he is aroused by you, magagalit ka. Anong klaseng katangahan naman iyon. Mananadya ka, tapos kapag sinabihan ka ng epekto ng iginawi mo doon sa tao, nagrereklamo ka," wika niya.

Dagdag pa niya, "A little decency should have been considered. Pagsabihan niyo nga ang babaitang ito. March 8 pa man din ngayon — International Women's Day."

Samantala, nagsalita na rin si Anne tungkol sa kontrobersiya matapos ang kanilang maikling bakasyon ng pamilya sa Middle East. 

Sa isang mahabang pahayag, sinabi ng TV host-actress na pinag-iisipan niyang magsampa ng legal na aksyon laban kay Suntay, at tinanggihan niya ang tinawag niyang "non-apology" ng politiko.

Gayunman, sinabi ni Anne na tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ng asawa ni Suntay, dahil nauunawaan niya ang pinagdaanan ng mga asawa at ina kapag napapahiya dahil sa maling desisyon ng kanilang partner.

"As a wife and a mother myself, I know exactly what she must be feeling — that particular kind of embarrassment, that helplessness, that quiet grief of watching someone choose so poorly in public," sambit niya sa post.

Mensahe niya pa, "To her, and to your children: this is not your shame. Please know that. And I hope everyone reading this extends them the same grace. They did nothing wrong, and they deserve to be left out of it entirely."

The post Chelsea Fernandez binanatan si Jay Sonza: May kadiring mindset ka po! appeared first on Bandera.


Chelsea Fernandez binanatan si Jay Sonza: May kadiring mindset ka po! Chelsea Fernandez binanatan si Jay Sonza: May kadiring mindset ka po! Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close