Bong Go nais ikasa Covid-19 repatriation plan sa OFWs dahil sa tensyon sa Middle East

HINIHIKAYAT ni Senator Christopher "Bong" Go ang gobyerno na gayahin ang ginawang diskarte sa pagpapa-uwi ng overseas Filipinos noong Covid-19 pandemic sa kasalukuyang krisis sa Middle East.
Bagamat magkaiba ang sitwasyon, sabi ni Go, halos wala rin biyahe ang mga eroplano noong kasagsagan ng pandemya.
Suhestiyon pa ng senador na gayahin ang ginawang koordinasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa noong panahon ng pandemya.
Baka Bet Mo: Jimmy Bondoc sa pagkadawit ni Bong Go sa ICC: Napakasakit para sa akin!
Tiwala si Go na kakayanin ng Department of Migrant Workers (DMW) na mapabalik ng bansa ang libo-libong mga Pilipino na naiipit ngayon sa pakikidigma ng US at Israel sa Iran.
Puna pa ng senador na padami nang padami ang mga Pinoy na na nais nang makauwi ng Pilipinas dahil walang pang katiyakan kung kailan matatapos ang kaguluhan sa Middle East.
Hiniling din ni Go na paghandaan ng gobyerno ang pagbabalik ng libo-libong Pilipino upang magkaroon sila ng pagkakakitaan habang nasa Pilipinas.
The post Bong Go nais ikasa Covid-19 repatriation plan sa OFWs dahil sa tensyon sa Middle East appeared first on Bandera.

No comments: