BREAKING NEWS

Bea Alonzo pinoprotektahan si Vincent Co: He has a private life

Bea Alonzo pinoprotektahan si Vincent Co: He has a private life
Bea Alonzo at Vincent Co

HALOS one year nag-rest ang Kapuso actress na si Bea Alonzo kaya naman talagang sinulit niya ang kanyang panahon para sa sarili at pamilya.

This year, ipagdiriwang ng premyadong aktres ang kanyang 25th anniversary sa showbiz at nakatakda siyang magbalik sa limelight sa pamamagitan ng bagong teleserye.

Bibida si Bea sa kanyang comeback series na "Whispers From Heaven,"  kung saan makakasama niya sina Maricar Reyes, Tom Rodriguez, Jason Abalos, Jake Macapagal, at Cassy Legaspi.

Kuwento ng aktres sa panayam ng "24 Oras", sa isang taon niyang pagkawala sa showbiz, mas nakapag-focus siya sa kanyang business and personal life.

"I focused on my personal life, my business. So things are great," aniya pa.

"It's something that I've always wanted to do also but never really found the time to do it na 'yun talagang like not wearing any other hat but that.

"So far, parang feeling ko nakapag-create na tayo ng foundation. So, I'm very happy about that and I discovered a lot of things about myself that way," dugtong ng aktres.

Sa 25 years daw niya showbiz ay ngayon lang siya nabigyan ng chance na ma-experience ang iba pang bagay na mas lalong magpapasaya sa kanya.

"There are many things na may mga simple joys na na-miss ko kasi when you're in the public eye, parang you tend to see like 'yung mga big things lang, big gestures. Nakalimutan ko i-enjoy 'yung simple joys," aniya.

Inamin din ni Bea na marami siyang natututunan sa boyfriend niyang  businessman na si Vincent Co pero tumanggi siyang magkomento nang matanong tungkol sa engagement at pagpapakasal.

"As much as I would like to share with you pero siyempre kasi I'm also protecting someone who is not from showbiz, he has a private life, he's a private individual," ani Bea.

Nauna rito, nabalita namin dito sa BANDERA kahapon na mukhang tuloy na nga ang kasal nina Bea at Vincent matapos bumandera sa social media ang kanilang marriage banns.

Mababasa sa naturang marriage banns na in-announce rin sa St. Peter the Apostle Parish sa Manila nitong nagdaang March 8 ang pangalan ng magkarelasyon.  

"Ferdinand Vincent Pe Co – Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo – Bride" ang nakalista sa naturang wedding banns. Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea.

Sa Pilipinas, isang public notice ang marriage banns na inilalabas sa respective parish ng bride at groom sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo.

Isa kasi ito sa requirement para sa mga idaraos na Catholic wedding para masiguro na walang magiging isyu o problema sa bawat panig ng mga magpapakasal.

Karaniwang ipinaaalam at isinusimite ito apat na buwan bago ang araw ng seremonya.

The post Bea Alonzo pinoprotektahan si Vincent Co: He has a private life appeared first on Bandera.


Bea Alonzo pinoprotektahan si Vincent Co: He has a private life Bea Alonzo pinoprotektahan si Vincent Co: He has a private life Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close