Barbie Forteza humugot: Men have no right to tell women to shut up!

MATAPANG ang naging mensahe ni Barbie Forteza para sa mga kalalakihan kaugnay ng selebrasyon ng Women's Month ngayong taon.
Nakiisa ang aktres sa naganap na FCC Women's Run last Sunday, March 8, na dinaluhan ng napakaraming kababaihan bilang bahagi ng International Women's Day.
In fairness, nakaabot sa finish line si Barbie sa sinalihang 10-kilometer run kasama ang iba pang runners na sumuporta sa naturang sports event kung saan ipinagdiwang ang lakas at kakayahan ng kababaihan.
"I'm just so proud of all the ladies na nakatakbo ko today. Ang gaganda ng mga katakbo ko.
"I feel very safe kasi I'm around all the women," ang pahayag ni Barbie sa panayam ng GMA.
Ang paalala pa ni Barbie sa lahat ng kababaihan, "Well, a wise woman once said, men have no right to tell women to shut up."
Wala namang binanggit si Barbie kung sino ang tinutukoy niyang "wise woman" sa kanyang quote, at kung saan nanggaling ang hugot niya hinggil dito.
Pero kung ang pagbabasihan ay ang mga nangyayari at pinag-uusapan ngayon ng madlang pipol, mukhang ang isyu at kontrobersya tungkol sa pambabastos ni Rep. Bong Suntay kay Anne Curtis.
The post Barbie Forteza humugot: Men have no right to tell women to shut up! appeared first on Bandera.

No comments: