Autumn Durald Arkapaw nasungkit Best Cinematography award sa Oscars
ISA na namang kasaysayan para sa Pilipinas ang pagkakawagi ng isang Pinay na cinematographer na si Autumn Durald Arkapaw sa 98th Oscar Academy Awards.
Naiuwi kasi niya ang "Best Conematography para sa kanyang pelikulang "Sinners".
Labid pa ang saya ni Autum dahil bukod sa nasungkit ang award, siya rin ang kauna-unahang babaw na nakakuha ng naturang award at ang kauna-unahang "woman of color" na nakasali sa nominasyon ng naturang katergorya.
Alay naman ng cinematographer ang kanyang pagkapanalo sa lahat ng kababaihan sa industriya ng pelikula.
Baka Bet Mo: Nikko Natividad kumikita ng dolyares sa pambebengga ng bashers
Saad ni Autumn, I'm so honored to be here. And I want all the women in the room to stand up because I feel like I don't get here without you, guys.
"I really really, truly mean that. I felt so much love from all the women in this whole campaign."
Binigyang puri rin ni Autumn ang kanyang crew l, ang asawa't anak, pati ang mga magulang na kasama niya at nakikinig sa kanya mula sa stage nang mga sandaling tanggapin niya ang award.
Para sa mga hindi aware, ang pelikulang "Sinners" ay ang pangalawang kolaborasyon ng Pinay sa direktor na si Ryan Coogler, kasunod ng "Black Panther: Wakanda Forever" noong 2018.
Ilan pa sa mga proyektong siya ang cinematographer ay ang TV series na "On the Road in America" (2007, ), "The Last Showgirl," "The Kick of Destiny," "Nike: Play New," at ang music video na "Lift Me Up" ng Hollywood na si Rihanna.
The post Autumn Durald Arkapaw nasungkit Best Cinematography award sa Oscars appeared first on Bandera.

No comments: