BREAKING NEWS

Arnold Clavio sa mga bastos, predator sa gobyerno: Dapat maging extinct na sila!

Arnold Clavio sa mga bastos, predator sa gobyerno: 'Dapat maging extinct na sila!'

SINITA ng Kapuso news anchor na si Arnold Clavio ang mga nagkalat na mga kalakakihan lalo na ng mga opisyal ng pamahalaan na walang respeto sa mga kababaihan.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay inilahad ng mamamahayag na dapat ay huwag nang bigyan ng pagkakataon na maupo ang mga ganitong klaseng opisyal sa gobyerno.

"Hindi na dapat mabigyan ng pagkakataon ang mga katulad nila sa gobyerno na walang respeto sa kababaihan," saad ni Clavio.

Pagpapatuloy niya, "At bakit sila naglipana ? Dahil natatawa pa tayo sa kanilang pagyayabang at papasin na mga kabastusan."

Baka Bet Mo: Arnold Clavio sa pang-aabuso sa showbiz: Kailangan na itong matigil!

Giit pa ni Clavio, ang mga "predator" ay walang lugar sa bansa lalo na sa pamahalaan.

"Hindi na ba alam ang pagkakaiba ng tao sa mababangis na hayop? Walang lugar sa gobyerno at sa bansa ang mga predator ! Dapat ay maging extinct na sila," sabi pa ng news anchor.

Kalakip ng naturang post ay ang video clip ng dating Pangulong Rodrigo Duterte noong April 2016 kung saan nagbitaw ito ng joke tungkol sa panghahalay.

"Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin 'yon. Pero napakaganda. Dapat mayor muna ang nauna. Sayang," saad ni Duterte patungkol sa nangyaring operasyon kung saanhinuli ang mga kriminal na nang-rape sa ilang kababaihan.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Clavio ang isa pang video clip kung saan ibinahagi ni Sen. Robin Padilla ang pananaw sa usapin ng marital sexual consent sa naganap na Senate Committee on Public Information and Mass Media noong August 2024.

"Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang mga taumbayan 'pag sinabi kong may iba talagang urge ang mga lalaki, talagang nandoon e… Papano 'yon, nandiyan ang asawa mo to serve you, ayaw niya, anong pwede kong [gawin] para hindi ako mareklamo ng asawa ko, anong pwede kong sabihin sa kaniya?" sey ni Padilla.

Mapapanood rin sa post ni Clavio ang binitawang pick-up line ni Camarines Sur Governor na si LRay Villafuerte pari na rin ang pagbibiro umano ni Ian Sia sa mga single mother na tumakbo noong bilang kongresista ng Pasig.

Matatandaang naging mainit na usapin ang pangbabastos sa mga kababaihan ngayong buwan sa kabila ng selebrasyon ng women's month dahil sa naging pahayag ni Suntay kung saan "nag-init" siya nang makita ang aktres na si Anne Curtis.

Matapos mabatikos ay humingi ng paumanhin ang kongresista sa aktres at sa mga taong nasaktan sa kanyang pahayag ngunit marami ang nakaramdam na hindi sinsero ang kanyang apology.

Samantala, nag-react na rin si Anne tungkol sa isyu at sinabing bagama't tanggap niya ang paghingi ng tawad ng asawa ni Suntay ay hindi niya tinatanggap ang pahayag ng kongresista at balak itong dalhin sa legal na usapin.

The post Arnold Clavio sa mga bastos, predator sa gobyerno: Dapat maging extinct na sila! appeared first on Bandera.


Arnold Clavio sa mga bastos, predator sa gobyerno: Dapat maging extinct na sila! Arnold Clavio sa mga bastos, predator sa gobyerno: Dapat maging extinct na sila! Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close