BREAKING NEWS

Andrea del Rosario inoperahan sa mata dahil sa maling gamit ng fake lashes

Andrea del Rosario inoperahan sa mata dahil sa maling gamit ng fake lashes

IBINAHAGI ng aktres na si Andrea del Rosario na kinailangan niyang sumailalim sa minor eye surgery matapos siyang magkaroon ng stye o "kuliti," na umano'y dulot ng kanyang "improper" na paggamit ng makeup at fake eyelashes.

Sa kanyang post sa Facebook noong Biyernes, Marso 6, nag-share ang aktres ng larawan ng kanyang sarili na may suot na eye patch matapos ang isinagawang operasyon.

"Clean your brushes and no to fake eyelashes for now.," saad ni Andrea.

Nauna nang ibinahagi ng dating miyembro ng Viva Hot Babes sa pamamagitan ng Facebook Live na dahil hindi pa rin nawawala ang kuliti sa kanyang mata, kinailangan na itong alisin sa pamamagitan ng clinical procedure.

Baka Bet Mo: Andrea del Rosario dismayado sa mga 'young artistas': Bad!

"I've been using a lot of makeup and false lashes. I've been drinking a lot of antibiotics pero hindi pa rin siya [kuliti] humuhupa so I need to have it surgically removed," lahad ni Andrea.

Dagdag pa niya, "I've been using a lot of makeup and false lashes. I've been drinking a lot of antibiotics pero hindi pa rin siya [kuliti] humuhupa so I need to have it surgically removed."

Pinaalalahanan naman ni Andrea ang kanyang mga followers na maging maingat sa paggamit ng kanilang makeup brushes at false eyelashes.

"Lesson of the day: do not use dirty brushes, and when you use your fake lashes, remove them at night; don't sleep with them, which I did," sabi pa ng aktres.

Matatandaang kamakailan lang nang punahin ni Andrea ang mga pausbong na artista at kung gaano siya kadismaya sa "bad attitude" na kanyang naranasan sa mga baguhan artista.

Samantala, kabilang ang aktres sa TV series adaptation ng libro mula sa Wattpad na "Hell University" kung saan kasama niya ang mga batang aktor na sina Zeke Polina, Heart Ryan, Aubrey Caraan, Lance Carr at Andre Yllana, at iba pa.

The post Andrea del Rosario inoperahan sa mata dahil sa maling gamit ng fake lashes appeared first on Bandera.


Andrea del Rosario inoperahan sa mata dahil sa maling gamit ng fake lashes Andrea del Rosario inoperahan sa mata dahil sa maling gamit ng fake lashes Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close