Andrea Brillantes: Wag matakot ipaglaban ang mga karapatan bilang babae

BILANG bahagi ng selebrasyon ng International Women's Month, matapang na nagbigay ng mensahe ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
Sa isang event para sa bagong business venture ng BFF ni Andrea na si Bea Borres, nahingan siya ng mensahe para sa lahat ng mga kababaihan.
"I would say na never stop believing in yourself, kahit na we live in an unfair world.
"Kahit minsan feel natin na hindi tayo nabibigyan ng karapatan o tingin natin na hindi fair 'yung naibibigay sa atin," ang pahayag ni Andrea sa panayam ng ABS-CBN News.
Pinaalalahanan din niya ang lahat ng kababaihan na palaging lakasan ang loob sa paglaban sa buhay at palaging paghandaan ang mga darating na pagsubok.
"Huwag kayong matakot na ipaglaban 'yung mga karapatan bilang babae. At ang babae ay hindi babae lang.
"Sa young girls, gusto ko lang talagang huwag silang mag-give up. Huwag silang magpadala sa mga sinasabi ng ibang tao," saad pa ng aktres sa naturang interview.
* * *
Balik-recording ang Kapamilya singer-actor na si KD Estrada hatid ang self-titled debut album na umiikot sa iba't ibang kwento ng pag-ibig.
Tampok sa album ang walong awitin, "Dito," "Over And Over," "Together," "Stay," "Be With U (Acoustic Version)," "Ikaw Ang Simula," "Sala," at "Napadaan Lang," na naglalarawan sa pagkahulog ng damdamin, heartbreak, at pagkakaroon muli ng pag-asa.
Umiikot key track na "Ikaw Ang Simula" sa muling pag-uumpisa kasama ang taong nagbibigay liwanag at kapayapaan sa buhay. Mula ito sa komposisyon ni Gab Tagadtad at produksyon ni StarPop label head Roque "Rox" Santos.
Inilabas ni KD ang una niyang single na "One of Many" noong 2019. Sinundan niya ito ng iba't ibang singles na "Days," "Love Led Us Here," at "Be With U." Naging bahagi rin siya ng "Run to Me" soundtrack kung saan inawit niya ang "Misteryo" at "When I See You Again" kasama si Alexa Ilacad.
Bukod sa musika, bumida rin si KD sa iba't ibang serye tulad ng "Unloving You," "Bola, Bola," at "Pira-Pirasong Paraiso." Pinasok din niya ang mundo ng teatro at naging bahagi ng "Bagets The Musical" at "Walang Aray."
Napapakinggan ang debut album ni KD sa iba't ibang digital streaming platforms.
The post Andrea Brillantes: Wag matakot ipaglaban ang mga karapatan bilang babae appeared first on Bandera.

No comments: