Alvin Aragon sa mga LGBTQ na ayaw mag-repent: Bakit ang tigas-tigas mo?

MULI na namang pinagdiskitahan ni Alvin Aragon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community matapos makisawsaw sa isyu nina Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay at Anne Curtis.
Nanindigan ang asawa ng dating member ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona na kailangang humingi ng tawad sa Panginoong Diyos ang mga bading at tomboy dahil isa raw itong malaking kasalanan.
Wala raw ipinagkaiba ang homosexuality sa "pag-iinit" at pagkakaroon ng desire ni Suntay kay Anne sa pamamagitan ng kanyang "imagination".
Sey ni Alvin sa isa niyang Facebook post, "Kahit hindi si Anne ang tinitignan mo ng may pagnanasa, may mag iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs."
"Kaya Filipino men, protect your wife. May 'sin of lust' kasi. And Filipino women, dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may sin of lust," aniya pa.
Kasunod nga nito, muling nag-post si Alvin sa social media patungkol sa homosexuality at kung paano ito naging malaking kasalanan sa Diyos.
"Diba nangyayari ang word ni Christ Demonstrated and word ni Christ, Bakit hindi natin pagkatiwalaan ang word ni Christ?" ang bahagi ng Facebook post ng aktor.
"Tapos sasabihin ng iba marumi mag isip? Talaga naman na lahat tayo marumi mag isip, may umaamin, meron hindi, may inaadmit na may kasalanan sila at humihingi ng tawad sa Diyos.
"Bakit ikaw ayaw mo ihingi ng tawad ang kasalanan mo na ikaw ay bakla eh malinaw naman na kasalanan ito?
"Marami nang humingi ng tawad na pinatawad at naging lalaki na ulit. Bakit ikaw ayaw mo pa? Bakit ang tigas tigas mo? Bakit nagrerebelde ka?" ang punto pa niya.
Gumamit pa siya ng analogy kung saan inihalintulad niya ang pagsisisi sa pagpapare-repair ng mga gadgets.
"Kung lalaki ka at may nararamdaman kang parang babae ka, kailangan lang bumalik ka sa Creator mo at aayusin ka ulit.
"Kung babae ka at nakakaramdam ka na para bang lalaki ka, bumalik ka sa Creator mo irerepair ka niya.
"Lahat naman tayo sira. Siya lang ang may kayang mag-ayos ulit sa atin. Willing ba tayong magpaayos?" pagtatapos ni Alvin Aragon.
Nauna nang sinabi ng mister ni Izzy na ipatatapon daw sa impiyerno ang mga miyembro ng LGBTQ kapag hindi nagsisi ang mga ito sa kanilang mga kasalanan.
The post Alvin Aragon sa mga LGBTQ na ayaw mag-repent: Bakit ang tigas-tigas mo? appeared first on Bandera.

No comments: