Alvin Aragon nagbabala, ang ari raw ng lalaki ay para lamang sa babae

MAY bago na namang pasabog na pahayag si Alvin Aragon para ipagdiinan na malaking kasalanan daw sa Diyos ang kabaklaan.
Nag-warning ang mister ni dating SexBomb Girls member Izzy Trazona hinggil sa pakikipag-sex ng isang lalaki sa kapwa lalaki.
Sa bagong Instagram post ng original StarStruck Avenger, inihayag nito na ang ari raw ng lalaki ay eksklusibo lamang para sa private part ng babae.
"Isa sa talakayan ay tungkol sa Relasyon ng Man to Gay at Gay to Gay. Mukang makabuluhan,pero masamang impluwensya sa mga Pilipino.. lalo na sa mga bata.
"Isa sa Usapan….Na kung kelan ka na Divirginize as a gay? Ang Penis po ay para sa Vagina hindi po para sa Anus.
"Ang Penis pang penetrate sa isang Vagina Walang i pepenetrate kapag sa kapwa mo lalaki ito ipepenetrate.
"Hindi rin pwedeng Vagina sa Vagina naman…dahil ang isang purpose nitong Vagina ay para ipenetrate ng Penis," ang paalala ni Alvin sa madlang pipol.
Aniya, hindi raw dapat ipinapasok ang pagkalalaki sa wetpaks dahil hindi raw ito naaayon sa kagustuhan at paglikha ng Diyos sa mga tao.
"So ang Penis ay Denesign ng Diyos para Ipenetrate ang Vagina sa loob ng buhay Mag asawa ng…Lalaking asawa at babaeng asawa. Ito po ang Normal, Tama, at Mabuti sa Mata ni Hesus," ang paniniwala ni Alvin.
Aniya pa, "Wag ipilit ang Hindi Normal, Hindi Tama, Hindi Mabuti Sa mga Pilipino at sa mga Batang Pilipino."
Nauna rito, nabanggit ni Alvin sa mga naging pahayag niya noon na ipatatapon daw ng Panginoong Diyos sa impiyerno ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community kapag hindi nag-repent at nagbagong-buhay.
The post Alvin Aragon nagbabala, ang ari raw ng lalaki ay para lamang sa babae appeared first on Bandera.

No comments: