BREAKING NEWS

AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu’n! 

AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu'n! 
AJ Raval at Aljur Abrenica kasama ang mga anak

PANGARAP ng dating sexy star at Vivamax Queen na si AJ Raval na magkaroon noon ng isang dosenang anak.

Gusto raw kasi ng current partner ni Aljur Abrenica na magkaroon ng malaking pamilya tulad ng blended family niya sa father side (Jeric Raval). 

Sa episode ng vodcast na "Your Honor" hosted by Buboy Villar and Chariz Solomon, napag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak.

Ayon kay Chariz, pangarap daw niya noong medyo bata-bata pa siya na magkaroon ng apat na anak.

"Gusto ko lima," sey naman ng co-host niyang si Buboy.

Chika naman ni AJ, 12 ang pangarap niyang anak, "Dati, iniisip ko kung marami lang talaga akong pera, 'yong pinakamaraming kaya ko. 

"Mga ano siguro, 12. Saya no'n. Ano bang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera?" hirit pa niya.

"Actually, nu'ng nag-start akong mag-artista, 'di ba may workshop?  Tapos 'yung workshop itatanong sa 'yo, '5 years from now, anong nakikita mo sa sarili mo?' 

"Sagot ko nu'n, 'farm, tahimik, maraming anak. 'Yan 'yung nasabi ko. Malaking family,'" aniya pa.

Matatandaang inamin ni AJ sa panayam ng "Fast Talk With Boy Abunda" na meron na siyang limang anak. Tatlo sa mga ito ay anak niya kay Aljur.

The post AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu'n!  appeared first on Bandera.


AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu’n!  AJ Raval pangarap magkaroon ng 12 anak: Ang saya-saya nu’n!  Reviewed by pinoyako on March 09, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close