BREAKING NEWS

AJ Raval, mga kapatid kinalbo ni Jeric: Hindi ko alam anong trip ng tatay ko

AJ Raval, mga kapatid kinalbo ni Jeric: Hindi ko alam anong trip ng tatay ko
AJ Raval at ang mga kapatid niya kay Jeric Raval

INALALA ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval ang naging buhay niya noon at ng kanyang mga kapatid sa amang action star na si Jeric Raval.

Aminado si AJ na hindi ordinaryo at tipikal ang kabataan nilang magkakapatid dahil nga sa kanilang extended family.

Pero feeling naman ng aktres at current partner ni Aljur Abrenica, equal at walang favoritism ang pagpapalaki sa kanila ni Jeric Raval, kahit pa 18 silang lahat na magkakapatid.

Sa guesting ni AJ sa "Your Honor" vodcast ng GMA hosted by Bubog Villar and Chariz Solomom, naikuwento nga niya kung paano mabuhay sa isang extended family na meron kang 18 kapatid?

Sa pagsalang ng aktres sa session ng House of Honorables, sinabi ni AJ na hindi niya alam na ang mga kalaro niya noon ay mga kapatid pala niya sa ama. 

"May araw lang na naglalaro kami, kala ko pinsan ko 'yung isa. So, lumalaki kang magkakapatid pala kami, hindi ko alam," pag-amin ni AJ.

Pero kahit daw iba't iba ang nanay nila, palagi silang pinaaalalahanan ni Jeric na huwag ituring na iba ang mga kapatid sa ibang pamilya.

"Kapag kadugo mo, kadugo mo! Kapatid mo 'yan walang anak sa labas parang ganu'n niya kami minulat," aniya pa.

Natatawang ikinuwento rin ni AJ kina Chariz at Buboy ang isang karanasan niya noong bata pa siya kung saan pinagtripan daw silang magkakapatid ni Jeric. 

"Playtime, hindi ko alam kung ano'ng trip ng tatay ko, but not in a bad way, lahat kaming magkakapatid kinalbo niya kami. Wala lang, masaya lang siya, Shaolin, ganu'n.

"Imaginin mo, maraming bata tapos lahat kalbo. Nakasakay sa pickup paikot-ikot sa bayan," laugh nang laugh na chika ni AJ.

The post AJ Raval, mga kapatid kinalbo ni Jeric: Hindi ko alam anong trip ng tatay ko appeared first on Bandera.


AJ Raval, mga kapatid kinalbo ni Jeric: Hindi ko alam anong trip ng tatay ko AJ Raval, mga kapatid kinalbo ni Jeric: Hindi ko alam anong trip ng tatay ko Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close