Ai Ai delas Alas sa viral proposal video: Please, wag n’yo na ‘kong husgahan

INALMAHAN ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang kumalat na chikang engaged na agad siya after ng hiwalayan nila ni Gerald Sibayan.
Usap-usapan ang video na napanood namin sa Facebook kung saan "nag-propose" sa kanya ang isang lalaki sa isang event.
Lumuhod pa ang naturang guy sa harap ng aktres habang hawak ang ring box, at mababasa sa isang tarpaulin ang mga katagang, "Will You Marry Me?"
Makikitang isinuot pa ng lalaki ang singsing sa daliri ni Ai Ai, at humalik pa siya sa noo nito. Kilig na kilig naman ang aktres sa ginawa ng lalaki habang binibidyuhan ng kanilang mga kasamahan sa lamesa.
"Ang Tanging ina nyo… Mula nang ma byuda sa Tatlo nyang Papa… may nag Propose na naman??? Totoo Ba???" ang nakasaad sa caption ng post.
May mga bumati ng "congratulations" kay Ai Ai at sa lalaking nag-propose pero meron ding nangnega at nang-okray sa kanya at sinabihang wala raw kadala-dala dahil pumatol na naman daw sa mas bata sa kanya.
Dahil sa pambebengga sa kanya, umalma ang aktres at sinupalpal ang isang lalaking basher. Ipinost ng komedyana ang screenshots ng profile at ang nakaka-offend na comments nito.
"Sobra naman ako pag salitaan ng @MiggsFun na ito sa instagram. di marunong rumespeto ng babae. paki bash nga ito pls. nakaka inis," himutok niya.
Sa pamamagitan naman ng isang video message na ipinalabas sa "Ogie Diaz Showbiz Update" vlog, dinenay niya na engaged na siya.
Eksena lang daw ang ginawang proposal sa kanya ng lalaki sa video at hindi niya ito fiancé. Ang totoo, sa katabi nilang table talaga ang may nangyaring marriage proposal.
"Nakakatawa nga kayo eh, ang dami n'yong mapapait na salitang sinasabi sa akin, walanghiya, hindi ko nga alam pangalan ni Kuya eh, sa comment ko lang nakita na Alvin pala pangalan niya," chika ng komedyana.
"Please lang, huwag n'yo na 'kong husgahan ha? Huwag n'yo na akong… kung ano-anong sinasabi n'yo na wala akong kadala-dala, hello!" hirit pa niya.
November, 2024 nang kumpirmahin ni Ai Ai ang chikang hiniwalayan siya ni Gerald sa pamamagitan lamang ng text message dahil hindi na raw siya mahal nito at gusto na raw magkaanak.
The post Ai Ai delas Alas sa viral proposal video: Please, wag n'yo na 'kong husgahan appeared first on Bandera.

No comments: