BREAKING NEWS

AC Bonifacio super happy matapos i-follow ni BTS Jungkook

AC Bonifacio super happy matapos i-follow ni BTS Jungkook

LABIS ang kikig na nadarama ng Kapamilya actress at dancer na si AC Bonifacio matapod siyang i-follow ng miyembro ng global phenomenon group BTS na si Jungkook.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng dating housemate ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab" Edition ang screenshot ng following list ni Jungkook sa TikTok, kung saan makikita ang kanyang pangalan.

"GOODMORNING SAYO JUNGKOOK," saad ni AC.

Dagdag pa niya, "[criying emoji] WHAT IS GOING ON [criying emoji] MY BIAS [criying emoji] brb CRYING SCREAMING ROLLING ON THE FLOOR BYE thank u po lord."

Baka Bet Mo: AC Bonifacio bumuwelta sa basher na nagsabing 'plastik, mamatay ka na'

Bukod kay AC, naka-follow din si Jungkook sa Filipina dancer at content creator na si Niana Guerrero sa TikTok.

Si Niana ay pina-follow din ng isa pang miyembro ng BTS na si J-hope sa naturang platform.

Samantala, nakatakdang bumalik ang BTS sa Manila sa susunod na taon para sa dalawang araw na concert bilang bahagi ng kanilang "BTS World Tour" na gaganapin sa Marso 13 at 14, 2027. 

The post AC Bonifacio super happy matapos i-follow ni BTS Jungkook appeared first on Bandera.


AC Bonifacio super happy matapos i-follow ni BTS Jungkook AC Bonifacio super happy matapos i-follow ni BTS Jungkook Reviewed by pinoyako on March 17, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close