BREAKING NEWS

3 hit K-Drama pasabog sa ‘Hapon Champion’ block ng TV5

3 hit K-Drama pasabog ng 'Hapon Champion' block ng TV5

MAS magiging exciting and fun ang hapon ng mga K-drama fans sa Pilipinas simula ngayong Lunes, March 9.

Tatlong kilalang Korean series ang mapapanood back-to-back sa Hapon Champion block ng TV5 sa ilalim ng bagong banner na "K-sama sa K-Drama."

Back-to-back na mapapanood ang "Sky Castle", "The World of the Married", at "Reborn Rich" — mga K-dramang malaki ang naging epekto hindi lamang sa South Korea kundi pati sa Filipino viewers.

Unang mapapanood at 3:10 p.m. ang "Sky Castle", ang istoryang tumatalakay sa matinding pressure ng Korean educational system at sa desperasyon ng mga magulang na masiguro ang tagumpay ng kanilang mga anak na estudyante. 

Susundan ito ng "The World of the Married" ng 4 p.m. tampok ang kuwento ng pagkawasak ng isang tila perpektong pamilya dahil sa pagtataksil.

Kasunod naman sa ganap na 4:45 p.m. ang "Reborn Rich" na pinagbibidahan ni Song Joong-ki—isang revenge story na may second-chance twist laban sa makapangyarihang pamilya.

Ipinakikita rin nito ang matalinong galaw ng Kapatid Network—mga subok na international hits ang hatid sa hapon habang mas pinagtutuunan ng pansin ang sariling produksyon sa mas mainit na primetime.

Sa ganitong paraan, mas maraming viewers ang nabibigyan ng dahilan para tumutok—lalo na ang mga K-drama fans na siguradong may K-sama na sa kanilang pagtutok tuwing hapon.

The post 3 hit K-Drama pasabog sa 'Hapon Champion' block ng TV5 appeared first on Bandera.


3 hit K-Drama pasabog sa ‘Hapon Champion’ block ng TV5 3 hit K-Drama pasabog sa ‘Hapon Champion’ block ng TV5 Reviewed by pinoyako on March 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close